Remote enrollment sa mga pampublikong eskwelahan, umarangkada na

BICOL—Nag umpisa na kahapon, Agosto 16 ang remote enrollment sa mga estudyante ng mga pampublikong eskwelahan.

Ayon kay Mayflor Marie Jumamil, tagapagsalita ng Departement of Education (DepEd) Bicol, sa ilalim ng remote enrollment, maaaring dalhin ng mga magulang o guardian ng estudyante ang mga Modified Learner Enrollment and Survey Forms (MLESF) sa mga eskwelahan basta susunod sa health protocol.

Pwede ring sa pamamagitan ng drop box kung mayroon nito ang eskwelahan kung saan maaaring ihulog ang MLESF sa mga kahon o booth na maaaring nasa gate ng eskwelahan, nasa barangay hall o iba pang pampublikong lugar na itinalaga ng eskwelahan.

Nilinaw din ni Jumamil na hindi inoobliga ang mga magulang na magsumite ng PSA Birth certificate, kung mayroon anyang Birth Certificate coming mula sa local registrar o kaya Baptismal Certificate ay tatanggapin nila.

Kung wala talaga ng mga nabanggit na dokumento ay pwede umanong kumuha ng sertipikasyon sa barangay at ipalagay ang mga detalye ng pagkakakilanlan ng estudyanteng eenroll.

Magtatapos ang enrollment sa Setyembre 13 na siya ring simula ng klase para sa school year 2021-2022.

Ayon kay Jumamil, distance learning pa rin ang gagamiting sistema ng DepEd at mananatiling bawal face-to-face classes dahil pa rin sa banta ng COVID-19.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *