Rep. Arroyo at rep. Ungab tiniyak ang suporta sa administrasyon

Tiniyak nina dating pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo at Davao City representative Isidro Ungab ang kanilang suporta sa administrasyon kahit pa inalis sila sa pagiging deputy speaker sa Kamara.

Ito ay matapos na hindi nila pirmahan ang resolusyon no. 1414 na naninindigan laban sa mga umaatake sa Kamara.

Tinawag ni Aroyo na intrigang karaniwan sa pulitika sa mga usaping hindi niya suportado ang liderato ni house speaker Martin Romualdez.

Sanabi ni Aroyo na wala siyang magagawa kung gustong paniwalaan ng liderado ng Kamara ang intriga.

Maluwag sa dibdib namang tinggap ni Ungab ang desisyon ng mayorya dahil na uunawaan niya ang kalakaran sa pulitika at gaya ni Aroyo suportado niya ang administrasyon.

Paliwanag naman ni house majority leader Manuel Jose Delipe, kinailangan tanggalin ang dalawa dahil malinaw na ayaw ipagtanggol nina Aroyo at Ungab ang Kamara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *