Requirements ng batas sa SK Treasurer mas mabigat kumpara sa Barangay Treasurer

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kailangang sumailalim sa training on bookeeping ang mga Sangguniang Kabataan Treasurer bago ang mga ito mag- assume ng office.

Ang requirement na ito ay tanging sa SK Treasurer lang bagay na hindi required sa Barangay Treasurer na kung tutuusin ay may mas mabigat ang responsibilidad.

Ayon kay DILG Provincial Director Melody Relucio, nagpalabas na rin ng direktiba ukol dito ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na dapat accredioted nito ang bookkeeping training ng SK Treasurer.

Magsasagawa umano ang TESDA ng dalawang araw na training patungkol sa basic bookeeping at ang mga hindi pa sumasailalim dito ay binigyan ngĀ  isang taon para full blown training.

Ayon sa DILG magsisilbing malaking hamon ito sa mga SK Chairperson na makakuha ng Treasurer na magiging katuwang sa pamamahala ng pananalapi ng SK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *