Resolution para sa “no active drug personality” sa 32 barangay sa region 2, inisyu ng rocbdc

Nasa 32 barangays sa lambak ng Cagayan ang inisyuhan ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program (ROCBDC) 2 ng resolution para sa “No active drug personality” sa isinagawang pagpupulong ng komite sa Tuguegarao City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, ang naturang resolusyon na inilabas ay para sa beripikasyon ng pagiging drug free barangays.

Kabilang rito ang mga barangay sa mga munisipalidad ng Gattaran at Rizal, sa lalawigan ng Cagayan at ang bayan ng Quirino sa probinsya ng Isabela.

Maliban dito ay inaprubahan din ng komite ang pagpapanatili sa status ng 88 drug-cleared barangays sa Quirino Province.

Samantala, batay sa huling tala ng PDEA Region 2 mayroon na lamang 198 drug-affected barangays na kinakailangang ma-clear mula sa 2,311 barangays sa buong rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *