Resulta ng March 2023 CSE- PPT ilalabas na sa Hunyo

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission na nakatakdang ipalabas sa Hunyo 9 ng taong kasalukuyan ang resulta ng March 26, 2023 Career Service Examination, Pen and Paper Test CSE- PPT.

Ayon kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas ipapalabas at malalaman ang resulta ng exam sa kanilang website.

Batay sa datos ng CSC nasa 1, 576 Cam Norteño ang aktuwal na kumuha ng exam sa Professional.

Nasa 59 naman ang absent sa mismong araw ng exam sa hindi mabatid na kadahilanan.

Nakakuha naman lahat ng exam ang nasa 134 para sa sub professional.

Isinagawa ang exam sa Camarines Norte State College Main Campus at Abaño Campus.

Gagawin naman kahalintulad na exam sa August 20, 2023 at iaanunsiyo na lamang umano ng CSC ang mga detalye para sa filing period.

Mababatid na mas marami nang kumukuha ngayon ng naturang exam dahil hindi na kinakailangang magtungo pa sa Naga o sa Legazpi ng mga taga Camarines Norte.

Simula kasi noong nakaraang taon ay dito na lamang sa Daet ginagawa ang exam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *