Local News

Retrieval operators, posible nang gumamit ng chopper sa pagkuha ng labi ng mga nasawing biktima ng Cessna plane crash sa Albay

LEGAZPI CITY – Magpahanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang sama ng panahon sa lalawigan ng Albay kung kaya’t nababalot pa rin ng hamog ang bulkang Mayon na siyang nagpapahihirap sa mga retrieval operators ng Cessna 340 plane crash victims.

Ayon kay Incidente Management Team (IMT) commander at Camalig Municipal Mayor Carlos Baldo, Jr., sa oras na gumanda ang panahon ay mapipilitan na itong gumamit ng chopper i-airlift ang mga bangkay sa nagpapatuloy na retrieval operation sa bayan.

Aniya, nakahanda rin naman ang Philippine Air Force para sa gagawing operasyon sa dalisdis ng bulkan.

Binigyang-diin pa nito na ito na ang pinakamabilis na paraan upang tuluyan nang maibaba ang mga biktima na mahigit isang lingo nang nasa taas ng bulkan at pagod na rin ang mga retrieval teams sa pabalik-balik kahit mayroon pang augmentation na ginagawa ang lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay naghahanap na rin ng lokasyon ang mga responders para sa magiging drop off point ng chopper, kung saan huhulugan ng lubid at hihilahin na lamang ito pataas.

Sinabi pa ni Baldo, target pa rin nitong makapagbaba ng isa o dalawang bangkay gamit ang chopper sakaling gumanda ang panahon ngayon araw.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

1 hour ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

2 hours ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

2 hours ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

2 hours ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

2 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago