RIAS, nagsagawa ng inspeksyon sa custodial facility ng SCPS

Sa paggamit ng kanilang kapangyarihan at tungkulin ayon sa batas na mag-inspeksyon at mag-audit ng mga tanggapan at tauhan ng pulisya sa buong rehiyon, ang Regional Internal Affairs Service (RIAS) ay nagsagawa ng ‘One Time Big Time (OTBT) Oplan Saliksik’ sa custodial facility ng Sorsogon City Police Station (SCPS).

Layunin ng nasabing aktibidad na siguruhin na nasa maayos na kondisyon ang mga pasilidad, gayundin ang pangangalaga sa karapatang pantao ng mga Persons Under Police Custody o PUPC na hindi biktima ng arbitrary detention o illegal na pagkulong.

Maging ang pagbibigay awareness sa mga kawani ng pulisya lalong-lalo na sa maayos na pagpapatupad ng batas sa pag aaresto.

Nakatuon ang mga inspeksyon sa mga pasilidad ng kustodiya ng PNP at sinuri ang katayuan ng mga taong nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya, ang pagsunod ng mga opisyal ng pulisya sa mga pangunahing karapatan at dignidad, at ang pagiging lehitimo ng mga operasyon ng pulisya na humantong sa pag-aresto sa mga taong nasa ilalim ng kustodiya.

Sa panahon ng mga inspeksyon, indibidwal na tinanong ang bawat nakakulong sa custodial facility ng SCPS ng mga opisyal ng IAS.

Pinangunahan naman ng chief ng Inspection and Audit Division (IAD) na si PCapt Macario Delfiero, ang pagsuri ng mga records ng apat na section ng himpilan na kinabibilangan ng finance, operations, administration at custodial section.

Ang inspection activity ay pinangunahan ng Regional Director ng IAS na si PBGen Reynaldo Acosta kasama ang buong team ng RIAS at team ng Sorsogon PIAS na pinangunahan naman ni PLtcol Manuel Jeric Briones, Acting Provl Superintendent.

Sinusuportahan naman ang nasabing aktibidad ng hepe ng SCPS na si PCol Jeric Don Sadia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *