Rider na mabilis umano ang takbo- nahulog sa kanal at muntik nang nalunod

Sinagip ng mga residente at Anti- Crime Task Force ang isang rider matapos na mahulog sa kanal at muntik nang malunod sa Saint Mary Village sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City ganap na 11:45 kagabi, April 3, 2022.

Ang lalaki ay kinilalang si John Bryan Jimenez nasa hustong gulang.

Ayon sa nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang pagpapatakbo ng rider nang ito ay kanyang nasalubong kaya nagdire-diretso ito sa kanal.

Si John ay nagtamo ng mga sugat sa katawan at napag-alaman na nasa impluwensya ito ng alak habang nagmaneho, ayon sa Anti- Crime Task Force.

Samantala, mabilis na nagresponde ang Kilos Agad Action Center (KAAC) at dinala sa pagamutan ang rider.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *