Rita Daniela, inaming naging third party ng isang showbiz couple

Inamin ng singer-acrtess na si Rita Daniela na naranasan niyang maging third party sa dalawang taong magkarelasyon at nagmamahalan.

Aniya, humantong ito sa paghihiwalay ng dalawa dahil sa kanya.

Paliwanang naman ni Rita, hindi niya alam na may karelasyon ang lalaking pumuporma sa kanya noon dahil nagsinungaling ito sa kanya.

Agad naman daw niyang itinigil ang namamagitan sa kanila nang malaman niya ang totoong relationship status ng lalaki.

Pinagsisihan at humingi raw ng tawad si Rita sa mga nasaktan niya.

Hindi man binanggit ni Rita ang pagkakakilanlan ng couple, ni-reveal nitong nangyari ito noong 2017 at nagkabalikan na rin ang showbiz couple.

Sumatotal, kasal na rin daw ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *