Robredo, natanggap na ang unang dose ng AstraZeneca vaccine

Natanggap na ni Vice President Leni Robredo ang kanyang unang COVID-19 vaccine shot.

Kaugnay nito, ang AstraZeneca-made vaccine ang ginamit na pagbakuna para sa ikalawang pangulo.

Pagbabahagi ni Robredo, nabakunahan siya sa Quezon City, kasama ang ibang mga miyembro ng kanyang staff sa Office of the Vice President.

Paliwanag ng bise presidente, siya ay kabilang sa A3 priority group na binubuo ng mga taong may comorbidities.

Matatandaan na nitong buwan din na matanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang dose, gamit ang Sinopharm vaccine. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *