Romualdez, pabor pa rin sa party-lists sa Kamara

Naniniwala pa rin si House Majority Leader Martin Romualdez na malaki ang naiaambag ng mga party-list groups sa Kamara pagdating sa mga batas para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Ito ang naging pahayag ng mambabatas sa gitna ng ginawang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang buwagin ang party-list sytem at isulong na lamang ang pagbabago sa Konstitusyon o cha-cha.

Ayon kay Romualdez, malaki pa rin ang papel ng party-list bloc sa Kamara pagdating sa pagbabalangkas ng mga batas.

Sa katunayan, ang party-list bloc ang maitituring na susunod na pinakamalaking House group, kasunod ng majority bloc.

Naniniwala rin si Romualdez na marami-rami rin ang naiaambag ng mga party-lists.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *