Bantag, ‘di raw dadalo sa DOJ prelim probe re:Lapid-Villamor slay case

Kinumpirma ng abugado ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na hindi ito makadadalo sa preliminary investigation ng Department of Justice sa consolidated murder charges hinggil sa pagpaslang kina Percy Lapid at Jun Villamor.

Sa isang panayam, sinabi ng kanyang counsel na si Atty. Rocky Balisong na tanging mga abugado lamang ni Bantag ang dadalo sa prelim probe bukas, araw ng Miyerkules.

Bago pa man ito, una nang umapela pamilya Mabasa na magpapakita ng sinseridad si Bantag sa batas.

Ayon kay Roy Mabasa, dapat respetuhin ni Bantag ang batas at harapin na niya ang mga reklamong isinampa laban sa kanya.

Sa kabila nito, ikinababahala naman ni Mabasa ang pagkawala ng isa pang suspek na si SJ02 Ricardo Zulueta.

Aniya, sa oras na hindi na matagpuan si Zulueta ay tila magkakaroon daw ng ‘vacuum’ sa ginagawang imbestigasyon sa kaso.

Matatandaang bago ito, una nang sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na ‘presumably alive’ pa rin si Zulueta at hindi pa rin nakalalabas ng bansa.
#

RELATED STORIES:

Bantag, maggiging ‘wanted’ na kung ‘di pa susuko – SOJ Remulla

DOJ: SJO2 Zulueta, buhay at hindi patay!

Kampo ni Bantag, tinanggap na ang subpoena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *