Kampo ni Bantag, tinanggap na ang subpoena

Muling tiniyak ng kampo ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na handang handa sila na harapin ang mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa pagkamatay ni Percy Lapid, pagkamatay ng sinasabing middleman na si Jun Villamor, at ang kabi-kabilang kontrobersya na nasiwalat sa New Bilibid Prison.

Kaninang tanghali nang tanggapin na ng kanyang abugado na si Atty. Rocky Balisong ang subpoena sa tanggapan ng Department of Justice.

Ito ay para ipatawag si Bantag sa preliminary investigation na itinakda sa araw ng Miyerkules, November 23.

Hinggil ito sa dalawang mga murder charges na isinampa laban kay Bantag para sa pagkamatay nina Lapid at Villamor.

Ayon kay Balisong, nanggaling pa raw siya sa Baguio City kung saan kasalukuyang naninirahan ang suspendidong BuCor chief.

Ang pagbiyahe umano niya papunta sa Maynila ay patunay lamang na handa silang harapin ang kaso.

Bago ito, sa hiwalay na pulong balitaan ay kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na hindi pa patay ang isa pang suspek na si BuCor deputy security officer (SJO2) Ricardo Zulueta.

Bagamat wala pa rin ito sa kanilang kustodiya – nakaraang linggo umano nang sabihin sa kanya ang posibleng kinaroroonan ng suspek.
#

RELATED STORIES:

DOJ: SJO2 Zulueta, buhay at hindi patay!

Bantag, naghukay para sa Yamashita treasure?

Justice Secretary Remulla, itinangging siya ang nag-utos na tirahin ni Lapid si Bantag

Kampo ni suspended BuCor chief Bantag, nanindigang hindi pa ‘served’ ang subpoena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *