Russia handang bigyan ng ‘safe passage’ ang mga Ukrainian sa Mariupol

Kinumpirma ng United Nations na mas maraming evacuation sa mga sibilyan ng Mariupol Ukraine ang isasagawa ngayong araw partikular sa steelworks na sinasabing huling pinagkukublihan ng mga Ukrainian defenders.

Sinabi ni UN Chief Antonio Guterres na dapat gawin ang lahat para mailabas ang mga tao na sinasabing nasa 200 pa na nagtatago sa bunkers ng planta.

Kaugnay nito ay sinabi ni Russian President Vladimir Putin na handa ang kanilang puwersa na bigyan ng “safe passage” ang mga sibilyan pero dapat sumuko ang mga “fighters” ng Ukraine.

Una nang nagdeklara ng tagumpay sa Mariupol si Putin kasabay ng kautusan nitong selyuhan ang industrial site na sinasabing dinesenyo na magsisilbing nuclear bunker at mayroong network ng mga tunnels sa ilalim ng lupa.

Matatandaan na inihayag ng Ukrainian forces sa loob ng steerlworks na nagpapatuloy ang pag-atake ng Russia sa kabila ng mga panawagan na payagang makalikas ang mga sibilyan na naiipit sa sagupaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *