Russia nagtalaga ng bagong war commander sa Ukraine

Nagtalaga ang Russia ng bago nitong Ukraine war commander para maging centralized ang control sa sunod na “phase” ng giyera kasunod ng bigo umano nitong kampanya laban sa mga Ukrainian civilians.

Ayon sa ilang US officials, si General Alexander Dvornikov na isa sa pinaka-experienced military officers at may record ng brutality laban sa mga sibilyan sa Syria ang bagong talaga ng Russia.

Kumbinsido ang ilang opisyal ng US na ang pagtatalaga kay Dvornikov ay indikasyon na hinaharap na ng Russia ang pagkabigo nito laban sa pananakop sa Ukraine.

Sinabi ni White House National Security Adviser Jake Sullivan ang itinalagang General ng Russia ay isa na namang “author” ng kriminalidad at brutality sa mga sibilyan sa Ukraine.

Nakilala si Dvornikov bilang isang career military officer na umangat mula sa ranks matapos maging platoon commander noong 1982, nakipaglaban sa second war sa Chechnya at nabigyan ng ilang top positions bago malagay bilang in-charge sa Russian troops sa Syria noong 2015 kung saan naitala ang maraming insidente ng pagiging brutal kahit sa mga sibilyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *