Russian troops, malapit nang makapasok sa Kyiv matapos atakehin ang isang children’s hospital

Inakusahan ng Ukraine ang Russia ng pagpapasabog sa isang children’s hospital sa Mariupol.

Ibinunyag ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang isang video footage na nagpapakita sa malawak na pagkasira ng refurbished hospital sa southern port city ng Mariupol kung saan ay kinondena niya ito bilang isang “war crime.”

Ayon kay Zelensky, nagawa ng tinatayang nasa 35,000 na sibiliyan na makalikas sa mga lungsod na inaatake ng Russia noong Miyerkules.

Gayunman, hindi aniya ganito ang sitwasyon sa Mariupol na patuloy na binobomba ng Russia, na dahilan upang masawi ang 1,200 sibiliyan sa loob ng siyam na araw na giyera.

Kasunod ito ng ulat na nakalapit na ang Russian forces sa kabisera ng Ukraine na Kyiv.

Tinatayang nasa ilang kilometro na lamang ang layo ng Russian tanks mula sa Kyiv, at posibleng mapalibutan na ito anuman oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *