Sakripisyo ng mga Health Workers, kinikilala rin ngayong National Heroes’ Day

NAGA CITY-  Naiiba ang konsepto ng pagiging bayani sa paglipas ng mga panahon ayon sa mga Historian.

Bukod sa mga bayaning may pangalan at walang pangalan sa mga aklat,  bayani narin kung ituring ang mga nag-uuwi ng karangalan sa bansa, nagsasakripisyo o nagbubuwis ng buhay sa bayan sa modernong panahon.

Ngayong pandemya kabilang sa mga itinuturing na mga bayani ang mga frontliners tulad ng mga Health Workers.

Isa sa kanila si Mark Francis Samillano, nurse sa COVID- ward ng Bicol Medical Center , buwis buhay ang kanilang trabaho , naranasan din ang diskriminasyon noong simula ng pandemya, subalit gaano man ito kahirap ipinagpapatuloy nila dahil ito ang sinumpaang tungkulin at ito ang kailangan.

Sa ngayon, kontento si Samillano sa sahod at benipisyo ngunit  ipinapanangin nito na makuha rin ng kapwa mga nurses ang nararapat para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *