Samahan ng manufacturers, nais i-hirit ang taas presyo sa de-latang sardinas

Inihayag ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) na nakatakda itong makipagpulong sa Department of Trade and Industry (DTI) sa March 11.

Layon ng pagpupulong na pag-usapan ang posibleng price hikes sa kanilang mga produkto dahil sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa CSAP, posibleng umakyat ang cost of production sakaling magkaroon ng panibagong round ng price hikes sa presyo ng langis.

Iginiit ni CSAP executive director Francisco “Bombit” Buencamino, naiintindihan nila na kailangan ng DTI na balansehin ang manufacturers at consumers.

Gayunman, nababahala aniya sila sa panibagong fuel price hikes na maaring magpataas sa production costs ng 3.5%.

Mababatid na inaasahan ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng langis sa mga susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *