San Juan City Mayor, handang humarap sa Senado hinggil sa TUPAD program

Handang humarap si San Juan City Mayor Francis Zamora sakaling ipatawag siya ng Senado hinggil sa umano’y ayuda scam ng TUPAD program na isiniwalat ng dating alkalde ng lungsod na ngayo’y Senador na si JV Ejercito.

Ayon kay Zamora, ilang beses na siyang inakusahan ng kung ano-anong isyu ng magkapatid na sina Senador Jinggoy at JV Ejercito pero lahat ito’y kanyang nasagot.

Nanindigan ang alkalde na wala siyang itinatago kaya’t kumpiyansa siyang masasagot niya ang lahat ng alegasyon.

Samantala, inamin ni Zamora na balak nitong kumandidato sa pag-alkalde sa susunod na eleksyon at hindi niya raw alam kung may lalaban muli sa mga Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *