Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, inirekomenda rin na maging ‘caretaker’ ng 3rd district si Cong. JCA

Full support umano ang 44th Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na maging kinatawan ng ikatlong Distrito ng lalawigan si 2nd District Cong. Jose Chaves Alvarez.

Ayon kay 2nd District Board Member Al Ibba, kahapon, October 10 ay bumuo ng resolusyon ang mga miyembro at pinagkasunduan na irekomenda kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Rep. JCA.

Malapit daw kasi ang distrito ni Cong. JCA sa 3rd district kaya nagtitiwala sila na maipagpapatuloy ng kongresista ang bakanteng posisyon na naiwan ni Cong. Edward S. Hagedorn.

Hindi na rin umano makakahabol kung magkaroon pa ng special election dahil sa nalalapit na barangay at sanggunian kabataan election.

Naiintindihan umano nila ang damdamin at nais sanang mangyari ng mga kababayan lalo ng mga taga-suporta ng yumaong kongresista subalit nakasalalay pa rin sa House Speaker ang pagtatalaga ng opisyal sa 3rd district.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *