Sasakyan ng abogado sa Davao City pinasabog

Pinasabog ang sasakyan ng isang abogado habang nakaparada sa harap ng opisina nito sa Ecoland, Davao City kaninang umaga.

Basag ang salamin sa likod ng nasabing sasakyan habang angĀ  dalawang gulong nito ang nabutas dahil sa lakas ng impact.

Nadamay din ang isa pang sasakayan na nasa lugar kung saan nabasag din ang dalawang salamin nito.

Ayon kay Davao City Police Office Director Police Colonel Alberto Lupaz na eksplosibo ang ginamit sa nasabing pagpapasabog batay sa isinagawang post-blast investigation ng Explosive Ordnance Division.

Napagalaman na may mga hawak umanong mabibigat na kaso ang abogado na posibleng may kinalaman sa pangyayari.

Dagdag ni Lupaz na may dalawang indibiduwal ang nakita sa CCTV camera na lumapit at tila may inilagay sa ilalim ng saksakyan bago paman ito sumabog.

Patuloy pa ang imbestigayon ng otoridad para kilalanin ang dalawang indibiduwal na ikinukonsidera ngayon na persons of interest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *