SBMA magsasagawa ng Scrap to Craft Competition para sa mga kabataan

Magsasagawa ng scrap to craft competition ang Subic Bay Metropolitan Authourity o SBMA.

Ito ay para hikayatin ang mga kabataan na matuto ng mga bagay na maaring mapakinabangan mula sa mga basura sa pamamagitan ng pag-rerecycle sa mga ito

Ang pagligsahan ay sisimulan sa Nov.15 hanggang 19 kasabay ng 10th Recyclables Collection Event na isinasagawa ng opisina.

Layon ng SBMA na mapigil ang pagdami ng mga basurang itinatapon sa ilog, coastal area na imbis na itapon ay mapakinabangan o pagkakitaan pa.

Samantala, magbibigay umano papremyo ang SBMA sa best From Scrap to Craft na entries.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

May be an image of food, drink and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *