SEAG at Para Games medalists, makatatanggap ng cash reward

Kinumpirma ni Philippine Sports Commission (PSC) chairperson Richard Bachmann na makatatanggap ng cash incentives ang mga atletang nag-uwi ng medalya’t karangalan sa katatapos lamang na 32nd Southeast Asian Games at 12th ASEAN Para Games sa Cambodia.

Ayon sa PSC Official – personal na ipamamahagi ni Pangulong Bongbong Marcos ang cash rewards sa higit 500 athletes sa July 20 sa MalacaƱang.

Tinatayang aabot sa P60Million ang ilalabas ng PSC para sa mga medalists ng SEA Games; habang P14Million naman para sa APG medalists.

Sa ilalim ng Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act – makatatanggap ng P300,000 ang mga gold medalists; P150,000 sa mga silver medalists; at P60,000 naman sa mga bronze medalists sa SEA Games.

Sa mga nakasungkit naman ng medalya para sa Para Games, makatatanggap ng P150,000 may gold medals; P75,000 naman sa silver; at P30,000 sa bronze.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *