Seaweed cultivation, apektado ng climate change – BFAR

Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang climate change bilang isa sa mayroong malaking epakto pagdating sa seaweed cultivation.

Ayon kay Ida Capacio BFAR Center Chief ng National Seaweed Training Development Center, iba’t iba kasi umano ang uri ng gulaman kung kaya iba- iba din ang kapasidad nito sa klima.

Aniya, mayroong mga variety ng seaweed  na ayaw sa sobrang init at nagreresulta sa pagkamatay nito habang mayroon naman umanong hindi gaanong sensitibo sa init at nakakasurvive.

Ito umano ang dahilan kung bakit kinakailangan na regular na nabibisita ng mga farmers ang kanilang mga pinapatubong gulaman upang masiguro na ito’y talagang mabubuhay.

Bagama’t maraming uri ng gulaman ang kanilang pinapatubo sa NSTDC kabilang na ang red, brown at green seaweed, sinabi ni Capacio na sa lalawigan ng Sorsogon ‘kappaphycus spinosum’ at ‘gracilaria’ ang karaniwang variety ng seaweed ang inaalagaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *