Sec. Tulfo pinangunahan ang inauguration ng Camarines Sur DSWD warehouse at satellite office sa Iriga City

NAGA CITY- Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development Office Sec. Erwin Tulfo ang pagbubukas ng Camarines Sur Provincial Warehouse sa Pili.

Layunin na mas mapabilis na maipaabot ang tulong ng DSWD Field Office para sa mga biktima ng sakuna at kalamidad. Dumalo naman ang ilang alkalde sa aktibidad na nagpasalamat din sa Provincial Government.

Sa Iriga City, nagkaroon din ng inauguration at memorandum of agreement signing para sa DSWD Satellite Office. Ayon sa kalihim, mahalagang mabilis ang tulong ng kagawaran tulad na lamang kung sa hospital bill, kung ipagpapabukas pa madaragdagan pa ang bayaran.

Binigyan diin din ni Sec. Tulfo na magiging pantay ang DSWD sa lahat ng rehiyon sa pagbibigay ng tulong.]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *