Security guard kasama sa hinuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil sa Oas, Albay

LEGAZPI – Arestado ang dalawang lalaki matapos silang mahuli na nangingikil sa Brgy. San Isidro bayan ng Oas lalawigan ng Albay.

Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang asawa sa himpilan ng pulisya ng Oas  para isumbong ang pangingikil di umano ng mga suspek na kung saan ang biktima ng isang text message mula sa hindi kilalang tao na nagbabanta na papatayin siya at ang kanyang mga kapamilya kung hindi magbibigay  ng halagang Php 10,000.00.

Agad nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga kapulisan ng nasabing himpilan at ikinasa ang “entrapment operation” laban sa mga suspek na nakilala bilang sina “Jason”, 30 taong gulang, may asawa, drayber ang ikinabunuhay, at residente ng Brgy. San Isidro, Oas, Albay; at si “Ray Jun”, 27-anyos, guwardiya, at nainirahan sa Brgy. Iraya Sur, Oas, Albay.

Sa pamamagitan ng smart padala number na ipinadala ng salarin sa biktima ay agad ring natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspek na si “Ray”, na naabutan ng mga operatiba habang naghihintay sa nasabing lugar para kunin ang pera na ipapadala ng biktima.

Hanggang sa pagsapit ng 4:32 PM ay naaktuhan na nga ng kapulisan ang naturang suspek na kumukuha ng pera gamit ang reference number na ipinadala sa biktima, dahilan para siya ay arestuhin. Subalit isiniwalat nito sa mga awtoridad na napag-utusan lang di umano siya ni “Jason” na kumuha ng padala.

Samantala, ganap na 5:45 ng hapon nang madakip ng kapulisan ang itinuturong nag-utos sa kay “Ray” na kumuha ng pera.

Matapos na maipabatid sa mga suspek ang dahilan ng kanilang pagkaka-aresto ay agad naman silang dinala sa Oas MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *