Seguridad ng SONA hindi apektado ng Ateneo shooting incident – PNP

PNP, tiniyak na hindi makakaapekto sa seguridad para sa SONA ang madugong shooting incidente sa loob ng Ateneo de Manila University

Tiniyak ng Philipine National Police na ang shooting incident sa loob ng Ateneo de Manila University, na ikinasawi ng dating alkade ng Lamitan, Basilan na si ROse Furigay, ay isolated case lamang.

Ayon kay QCPD director Police Brigadier General Remus Medina, hindi makakaapekto ang naturang pangyayari sa seguridad para sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw.

Nangako rin ito na nakahanda ang PNP sakaling may kaparehong scenario sa SONA ng pangulo.

Samantala, kinondena naman ni Police Lt. Gen. Vicente Dana, Jr., PNP officer-in-charge, ang naturang insidente kabasay ng pagsisigurong on top of the situation ang PNP, at ipinapatupad ang mahigpit na seguridad lalo na sa Quezon City at ibang bahagi ng Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *