Selebrasyon sa ika-20 na anibersaryo ng TOG 2, Isinagawa ngayong araw

Isinagawa ngayong araw ang selebrasyon para sa ika-20 aniberasryo ng Tactical Operations Group (TOG) 2 Philippine Air Force (PAF) sa kanilang headquarter sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Una nang nabanggit ni TOG 2 Commander LtCol. Sadiri Tabutol, na October 1 ang mismong araw ng kanilang anibersaryo ngunit dahil naitaon ito sa araw ng Sabado ay minabuting ilipat ngayong October 5 ang selebrasyon para makadalo ang mga panauhin.

Magiging Guest of honor and speaker naman si BGen. Rocky Bina PAF, ang Wing Commander ng Tactical Operations Wing Norther Luzon.

Highlights ng naturang pagdiriwang ang pagkilala sa mga TOG2 personnel at stakeholders na tumulong sa kasundaluhan sa pagkamit ng kanilang mga accomplishments.

Nagpasalamat naman si LtCol. Tabutol sa kanilang mga katuwang na ahensya sa tulong at suporta para maihatid sa publiko ang mga impormasyon at programang isinasagawa ng TOG2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *