Sen. Go isinusulong na ma-digitalize ang lahat ng government transaction

Patuloy na isinusulong ni Senador Christopher Bong Go na ma-digitalize ang lahat ng government transaction sa bansa.

Ayon kay Go malaki ang papel ng digital technology para ginagawang pagsisikap ng bansa na makamit ang pandemic recovery.

Paliwanag ng senador kailangan ng ng e-governance para mapaglingkuran ng pamahalaan ang taumbayan kahit nasa loob lamang ito ng kanilang pamamahay o nasa trabaho.

Noong July 2020, inihain ni Go ang Senate Bill No. 1738, o ang E-Governance Act of 2020, na naglalayong magkaroon ng integrated, interconnected, at interoperable information at resource-sharing and communications network sa lahat ng national at local government, kabilang na ang internal records management information system, information database, at digital portals sa paghahatid ng serbisyo sa mga tao.

Nabatid na batay sa Social Weather Stations survey nitong Oktubre, 89% ng mga Filipino ang naniniwala sa papel ng digital technology sa paglikha ng trabaho at mga negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *