Sen. Go nagtala ng perfect attendance sa kabila ng pagiging abala sa pagtulong sa mga kababayan apektado ng pandemya

Nagtala ng perfect attendance si Senador Christopher Bong Go sa second regular session ng 18th Congress  na nagtapos noong Hunyo.

Nagampanan ni Go ang kanyang ‘legislative-related’ na trabaho sa kabila ng pagiging abala nito sa pamamahagi ng tulong sa mga kababayan labis na apektado ng COVID-19 crisis sa buong bansa.

Sinabi ni Go na kahit busy siya sa pag-iikot sa buong bansa upang magserbisyo, sinisigurado umano niya na hindi napapabayaan ang mga tungkulin niya bilang kinatawan ng mamamayan sa Senado.

Iginiit din nito na walang tulog ang serbisyo at patuloy niyang ginaginawa ang kanyang trabaho bilang mambabatas habang tumutulong kay Pangulong Duterte.

“Para sa akin, walang tulog ang serbisyo. Inaasikaso ko ang mga responsibilidad ko bilang mambabatas habang patuloy ang aking pagtulong kay Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng aking ipinangako noon. Iyung natitira kong oras, bumababa ako sa tao upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan at mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati,” pahayag pa ni Go.

Inihayag naman ni Go na katulad nang ipinangako niya noon, hindi niya lilimitahan ang kanyang sarili sa apat na sulok ng kanyang opisina sa Senado para personal na maihatid ang tulong sa mga ngangangailangan kababayan at marinig ang mga hinaing ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *