Sen. Pia nais isama sa lahat ng lebel ng edukasyon ang ‘soft skills’

Nagbigay ng suhestiyon si Senadora Pia Cayetano hinggil sa umano’y kawalan ng ‘soft skills’ ng mga kabataan, dahilan upang mahirapan silang makahanap ng trabaho.

Ayon kay Cayetano, ang naturang skills ay dapat isama sa lahat ng antas ng edukasyon sa Pilipinas.

Kaugnay nito, nilinaw din niya na hindi niya nais magkaroon pa ng bagong subject pa ra sa soft skills, ngunit nais niya umanong palagian itong maisama sa mga aralin.

Binigyang-diin ng senador, na sa lahat ng Asian countries, nakikita ng mga CEOs ag mga Filipino graduates bilang ‘very hardworking’ at ‘very reliable.’

Mababatid na pinangambahan ng ilang mga mambabatas ang kawalan umano ng ‘soft skills’ o ang mga katangian ng pakikiramay, creativity, katatagan, at communication ng mga fresh graduates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *