Sen. Revilla, planong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga residenteng mula sa 6km PDZ ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Pag-uusapan umano nila Senator Bong Revilla, at Albay 2nd District Cong. Joey Sarte Salceda ang kanilang plano na bigyan ng permanenteng bahay ang mga residenteng mula sa 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Revilla, bago maisakatuparan ang proyekto para sa mga residente, kinakailangan muna ng resolution at maaprobahan sa senado dahil malaki-laki ang kakailanganing pondo rito.

Aniya, kailangang planuhin ng senado ang itatayong permanenteng pabahay para sa mga residente na kanilang paglilipatan upang matiyak din ang kanilang kaligtasan.

Maliban pa rito, kinakailangan naman na siguraduhin ng mga residente na huwag nang bumalik sa kanilang mga lugar sa oras na mabigyan na sila ng mga bahay.

Samantala, aabot naman sa humigit-kumulang 2,000 pamilya ang posibleng maging benepisyaryo ng libreng pabahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *