Senado, dismayado sa pagpapahintulot ng Palasyo na magpatuloy ang operasyon ng e-sabong

Dismayado si Senate President Vicente Sotto III sa kautusan ng Malacañang na nagpahintulot sa pagpapatuloy ng operasyon ng online sabong sa kabila ng panawagan ng mga senador na masuspinde ito habang iniimbestigahan ang kaso ng 34 na nawawalang sabungeros.

Sinabi ni Sotto na ang pagkadismaya ng Senado ay hindi maikukumpara sa nadaramang pagkadismaya ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungeros.

Ipinunto ng senador na walang saysay ang paggawa ng apela sa Malacañang.

Ikinalulungkot rin ng mambabatas na pinarating pa ng Philippine Aamusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang isyu sa Malakanyang kahit pwede naman ito umaksyon ng mag-isa.

Iginiit ni Sotto na nasa ilalim ng kapangyarihan ng PAGCOR ang pagsuspinde ng lisensya base sa batas.

Mababatid na inihain noong nakaraang linggo ang Senate Resolution 996 na pinirmahan ng tinatayang 23 senador, kung saan ay hinihimok nito ang PAGCOR na suspendihin ang mga lisensya ng e-sabong operators hanggang hindi nareresolba ang kaso ng mga nawawalang sabongeros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *