Pormal nang ti-nerminate ng Senado ang mga plenary debates nito para sa ipinapanukalang P5.268Trillion national budget para sa taong 2023 sa ilalim ng General Appropriations Bill.
Natapos ang pagbusisi sa mga iba’t ibang tanggapan at Kagawaran ng Gobyerno sa loob ng dalawang linggo na marathon sessions na isinagawa ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Matapos nito, inaasahang isusulong na ng mga Senador ang committee at individual amendments sa GAB sa susunod na linggo.
Kasunod naman nito ay pagbabanggain na ang bersyon ng Senado sa bersyon ng Kamara sa pamamagitna ng bicameral conference.
Bago ito, una nang tiniyak ni Senate President Migz Zubiri na bago matapos ang Nobyembre ay mstapos na nila ang bersyon nila ng Budget.
Ito ay para matiyak na wala raw magiging reenacted budget para sa susunod na taon.
Alinsunod ito sa naging utos ni Pangulong Bongbong Marcos na pabilisin ang pag-apruba sa budget, matapos niyang i-‘certify as urgent’ ang 2023 General Appropriations Bill.
#
RELATED STORIES:
Tugpa sa prisohan ang lima ka mga indibidwal human nga aktong nadakpan sa gipahigayong joint…
Walo ka oras nga makasinati ang dakong bahin sa Davao City og power interruption karong…
Matapos ang 114 na taon, babaguhin na ng Boy Scouts of America ang pangalan nito…
Inaresto ng National Bureau of Investigation's (NBI) Violence Against Women and Children Division ang isang…
CAMARINES NORTE - Aabot sa 1, 450 slots ang inilaan ng Civil Service Commission para…
CAMARINES NORTE - Ipagpapatuloy ng Social Security System ang paghahabol sa mga delinquent employer sa…