Senador, itinutulak ang pagkakaroon ng imbestigasyon ng Senado sa mga operasyon ng casino sa bansa

Pormal nang inihain ni Senador Raffy Tulfo sa Senado ang resolution no. 799 na naglalayong imbestigahan ng Senate Committee on Games and Amusement ang kasalukuyang batas at regulasyong ipinapatupad sa mga casino gaming industry.

Ito ay matapos makapagtala ng pagtaas ng kaso ng krimen at insidenteng nakakaapekto sa mga parokyano nito.

Dagdag pa niya, nakakaalarma na rin ang masamang epektong naidudulot ng pagsusugal sa “mental health”, “social relations” at “overall well-being” ng isang indibibidwal na customer ng nasabing industriya.

Kaugnay nito, sa ilalim ng nasabing resolusyon ay i-rereview at rerepasuhin ang mga kinakailangang batas at regulasyon upang patuloy na maisulong bilang “gambling tourist destination” ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *