Senador, pinagpapaliwanag ang PhilHealth dahil sa 5% na premium rate hike

Nanawagan si Senador Francis Tolentino sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipaliwanag nang mabuti sa publiko ang ipinataw nitong premium rate hike.

Ito ay matapos kumpirmahin ng PhilHealth na sinimulan na nila ang pagpapatupad ng dagdag na limang porsyento na kontribusyon nitong bagong taon.

Bilang tugon, ayon kay Philhealth Spokesperson Rey Balena, ang karagdagang PhilHealth contribution mula sa mga miyembro nito ay gagamitin para sa mga bagong benefits tulad ng pagpapalawak ng coverage ng dialysis mula sa 90 sessions papunta sa 156 sessions.

Maliban pa roon, sa tulong nito ay aabot na rin sa P60,000 ang mental health coverage at mas lalo pang mapapataas ang antas ng serbisyo sa stroke at hemorrhagic sectors.

Samantala, binigyang-diin naman din ni Tolentino na marapat lang na magkarooon ng pagpapabuti sa benefits ang dagdag na kontribusyong hiningi ng PhilHealth sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *