Senate panel, nais ilagay sa Immigration watchlist order si Michael Yang


Nais isama ng Senate blue ribbon committee ang Chinese businessman at former presidential economic adviser na si Michael Yang sa watchlist order ng Bureau of Immigration’s (BI).

Ito ay matapos na hindi nakadalo si Yang sa pagpapatuloy ng Senate inquiry sa umano’y overpriced COVID-19 supplies dahil umano sa pagtaas ng blood pressure nito.

Dahil dito, nirekomenda ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na humiling ng watchlist order sa BI upang maabisuhan ang Senado oras na magtangkang lumabas ng bansa ni Yang.

Bilang tugon, magpapasa umano ng sulat si Senate blue ribbon committee oversight office management director-general Rodolfo Quimbo sa BI para rito.

Una nang naglabas ng arrest warrant ang Senate panel laban kay Yang noong unang hindi ito dumalo sa hearing kahit pa may subpoena na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *