Senate Public Services Committee – pinaaaral ang PUVM Program

Binigyang-diin ni Senate Committee on Public Services, Senator Grace Poe na ang modernisasyon ay hindi lang simpleng pagko-consolidate at pagtatapon sa basura ng mga naging iconic jeepneys ng Pilipinas.

Ayon kay Poe, ito dapat ay maging paraan upang mas ‘reliable’ at ‘sustainable’ ang mga pampublikong sasakyan sa mga commuters, draybers at maging operator.

Kaugnay nito, matapos i-extend ng pangulo ang Public Utility Vehicle (PUV) consolidation ng tatlong buwan ay nakiusap naman ang senadora na magsagawa ng malalimang pag-aaral sa modernisasyon ng mga jeepneys.

Ito ay upang matukoy umano ang positibong epekto na pupwede nitong madala sa bansa at maintindihan ang dahilan ng pagtutol ng ilang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *