Senate reso na nagpapahayag ng simpatya sa pagkamatay ni PNoy, inihain

Inihain ni Senate President Vicente Sotto III ang isang resolusyon na nagpapahayag ng simpatya at pakikiramay para sa pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa ilalim ng resolusyon, binigyang diin ni Sotto ang mga achievement ng Aquino administration gaya ng panalo ng bansa laban sa China sa arbitration tribunal sa kaso kaugnay ng West Philippine Sea, at ang paglago ng ekonomiya ng bansa. 

Ayon sa senate president, sinuportahan din ni Aquino ang mga proyekto gaya ng Muntinlupa-Cavite Expressway, school infrastructure projects, Metro Manila Skyway Stage 3, at automated fare collection system para sa Metro Rail Transit Line 3 and Light Rail Transit Lines 1 and 2.

Dagdag ng senador, naglunsad din ng program ang dating pangulo para masawata ang kahirapan gaya ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program.”

Nagsulog din umano ang dating presidente ng mga reporma para matugunan ang korapsyon sa gobyerno at mga isyu sa education sector. 

Mababatid na nagsilbing senador si Aquino bago sya nahalal bilang pangulo. 

Pumanaw si Aquino noong Huwebes ng umaga dahil sa renal disease.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *