Solon sa DTI: Mahigpit na imonitor ang presyo ng mga noche buena items

Iminungkahi ng isang House leader sa Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit na bantayan ang presyo ng noche buena items sa gitna ng holiday season.

Kaugnay nito, naghain si House Committee on Social Services Vice Chairman at Quezon City 5th district Rep. PM Vargas ng House Resolution (HR) No.612, kasabay ng pag-apela sa mga manufacturers at sellers na ipatupad ang recommended price ceilings para sa basic commodities.

Una nang hiniling ng DTI sa mga manufacturers ng noche buena products noong Setyembre na limitahan ang kanilang price increase para sa naturang mga produkto sa maximum na 10 percent ng base price.

Binigyang diin ni Vargas, na kailangang tiyakin ng gobyerno na iregulate ang presyo ng mga produkto para makatulong sa hirap ng mga Pilipino, lalo na ngayong holiday season at para sa diwa ng “bayanihan at malasakit” //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *