Sorsogon city-LGU finalist sa National Literacy Awards 2022

SORSOGON CITY – Kakatawanin ng Sorsogon City ang Rehiyong Bicol sa National Literacy Awards bilang Outstanding City LGU para sa independent component/component city.

Ito’y matapos na mahirang na topnotcher ang lungsod ng Sorsogon sa regional level.

Makakatunggali ng syudad ng Sorsogon ang Alaminos City Pangasinan na kakatawanin ang Region 1; Tagaytay City, Cavite sa Region 4-A; Ormoc City, Leyte sa Region 8; Santiago City, Isabela sa Region 2; Calapan City, Oriental Mindoro sa Region 4-B; Panabo City, Davao del Norte para sa Region 11; Malolos City, Bulacan sa Region 3 at Tabuk City, Kalinga sa CAR.

Sa pamamagitan ng isang FB post ay ipinaabot naman ni City Mayor Ester Hamor ang kanyang pagbati kasabay ng panalangin at pag-asa na mananalo ang lungsod. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *