Sorsogon City PNP, maagang nagpaalala sa mga magulang  na bantayan ng maigi ang kanilang mga anak sa pagsisimula ng Karoling at Simbang Gabi

Maagang nagbigay ng paalala ang Sorsogon City Police Station (SCPS) sa publiko lalo na sa mga magulang na bantayan ng husto ang kanilang mga anak lalo na ang mga menor de edad kasabay ng pagsisimula ng mga karoling at pagsisimula ng simbang gabi sa mga susunod na araw.

Sa panayam ng Brigada News kay Sorsogon City PNP Chief, PLtc Jeric Don Sadia, sinabi nito na malaki ang papel na dapat gampanan ng mga magulang upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak tuwing sasapit ang gabi kung saan mas magiging madalas ang paggala ng mga ito lalo pa at bakasyon na sa eskwela.

Aniya, mahalaga na dapat alam ng magulang kung saan at kung sinu-sino ang kasama ng kanilang anak bago ang mga ito payagang lumabas ng bahay at dapat ring higpitan ito sa curfew kahit pa maluwag na ng restriksyon ng LGU hinggil dito.

Gayunpaman, siniguro ng opisyal na naka-alerto naman ang kanilang hanay sa pagbabantay sa mga matatao at istratihikong lugar upang tiyakin ang seguridad ng publiko lalo na ng mga kabataan ngayong holiday season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *