Sorsogon, nakapagtala ng mahigit 100 na road accident sa loob ng 9 na buwan

Aabot sa mahigit 3K ang nairehistrong aksidente ng Land Transportation Office (LTO) Bicol sa buong rehiyon mula Enero 1 hanggang buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon.

Ang Sorsogon ay nakapagtala ng 121 road accident sa nasabing panahon. Sinundan ito ng Catanduanes na may 70 habang ang Masbate ay may naitalang 30 road accidents.

Pinakamarami namang nairehistro sa lalawigan ng Albay na umabot sa 1,405 na sinundan ng Camarines Sur na 1,208 habang ang Naga City ay may naitalang 699 at 308 naman sa Camarines Norte.

Ayon pa sa datos ng ahensya, tumaas ng 10.75% ang road accidents ngayong taon na umabot sa 3,841 kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala ng 3,468 sa parehong peryodo.

May naitala namang 219 na road crash na nagresulta sa kamatayan at 23 dito ay nangyari sa Sorsogon at aabot naman 3,791 na road crash ang naitala na nagresulta sa physical injury na ang 107 dito ay nangyari sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *