Sorsogon, nasa pang-apat na puwesto na may mahihirap na sambahayan sa rehiyong Bicol

Batay sa Listahanan Poverty Map, nasa pang-apat na puwesto ang lalawigan ng Sorsogon na may ‘poor household.’

Sa 541, 137 na natukoy ng Listahanan na mahihirap na sambahayan sa buong rehiyong Bicol, ang 79, 604 dito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Nasa Top 1 ang lalawigan ng Camarines Sur na nakapagtala ng 184, 667 na mahihirap na sambahayan; Top 2 ang Albay na may naitalang 102, 009; Top 3 ang Masbate na may 97, 499 na mahihirap na sambahayan habang ang Camarines Norte ay nasa Top 5 na may naitalang 61, 542 at ang Catanduanes ay nasa Top 6 na may aabot sa 16, 816 na mapoor household.

Sa isinagawang media forum ng DSWD Bicol sa Masbate, snilinaw ni DSWD RD Norman Laurio na ang resulta ng Listahanan ay hindi opisyal na poverty incidence, ito umano ay isang mekanismo upang matukoy kung sino at nasaan ang mga mahihirap sa buong rehiyon.

Ang Listahanana ay magsisislbing batayan para sa pagpili ng mga potensyal na benepisyaryo para sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan.

Ayon pa kay Laurio, ang Bicol Rgeion ay ika-6 na pinakamahirap na rehiyon sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *