Sorsogon, pumangatlo sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa Bicol; Sorsogon City, isinailalim ng DOH-CHD sa red category;

Isinailalim ng DOH-Bicol Center for Health Development (CHD) sa red category ang apat na lugar sa rehiyon at ang isa dito ay ang Sorsogon City.

Sa datos na inilabas ng nasabing ahensya, nakapagtala ang Sorsogon ng 128 kaso ng dengue simula noong Enero 1 hanggang buwan ng Setyembre nitong taon.

Ang Camarines Sur ang may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue na umabot sa 235 sinundan ito ng Catanduanes na nakapagtala ng 157 na kaso.

Sumunod sa Sorsogon ang Masbate na may naitalang 95 na kaso, Albay-35 habang pinakamababang kaso ang Camarines Norte na may 32 na kaso.

Maliban sa Sorsogon City na mag 98 na kaso, inilagay din sa red category ang Virac sa Catanduanes na may 82 kaso, Naga City sa Camarines Sur na may 54 kaso at ang Masbate City na may 36 na kaso ng dengue.

Dagdag pa ng ahensya, lima na ang namatay sa dengue sa Bicol region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *