SP Zubiri, umapela sa China na itigil na ang anumang ‘provocative activities’ nito sa WPS

“China, napakahirap mong mahalin”

Ito ang pahayag ni Senate President Migz Zubiri para sa China sa kanyang naging press conference ngayong araw.

Ito ay matapos ang panibagong insidente ng pangha-haharass ng China kung saan apat sa tauhan ng Philippine Navy ang nasugatan dahil sa pambobomba sa kanila ng Chinese Coast Guard (CCG) ng water cannon.

Kaugnay nito, mariin itong kinondena ni Zubiri at agad din siyang umapela sa Chinese government at CCG na itigil na ang anumang ‘provocative’ at ‘violent’ activities nito sa West Philippine Sea (WPS).

Maliban pa roon, hinimok din niya ang mga ito na trabauhin ang pagsunod sa code of conducts dahil ang paggamit umano ng excessive force ay paglabag sa United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *