SPIO nagpaliwanag hinggil sa pondo ng Tabang Center

SORSOGON CITY – Nagpaliwanag ang Sorsogon Provincial Information Office (SPIO) sa usapin ng kawalan umano ng pondo ng Tabang Center.

Ayon kay SPIO head Slavador ‘Dong’ Mendoza, hindi totoong wala nang pondo ang nasabing center dahil ito ay buwanang binababaan ng pondo ng Provincial Government.

Sinabi pa nito na natural lamang ang mga delays dahil sa mga liquidation na kailangang isumite sa Commission on Audit (COA) bago muling ibaba ang nasa P2M na pondo para rito.

Dapat rin umanong maintindihan ng publiko na talagang mahaba at mabusisi ang proseso na pinagdadaanan bago makapaglabas ng pondo ang gobyerno.

Kung naaantala man umano ang pagbibigay ng tulong, pinakamatagal na dito ang tatlong araw kung saan naipapaliwanag ito ng maayos sa mga tumutungo sa nasabing opisina at inaabisuhan na lamang ang mga ito sa oras na maaari na muling maglabas ng pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *