Squid Squad ipinakalat sa malaking mall sa lungsod ng Legazpi para matiyak ang pagsunod sa health protocol

BICOL—Ramdam na an pagdagsa ng mga Christmas shoppers sa malalaking mall at establisimiento sa lungsod ng Legazpi.

Dahil dito, hindi isinasantabi ang posibilidad na mabalewala ang mga health and safety protocols sa mga tinataong lugar.

Upang matiyak ang tamang pagsunod rito, inilatag ng isang malaking mall sa lungsod ang tinawag nitong Squid Squad na hango sa sikat na palabas na Squid Game.

Pero hindi ang mga ito ipinakalat para manakot sa halip, nagiging atraksyon pa nga sila sa mga shoppers dahil sa suot nilang costume at Santa cap.

Sila ang nag-iikot upang masigurong nasusunod ang mga health and safety protocols ng mga pumapasok sa mall.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *