SSS planong mag- offer na rin ng survivor pension loan program

CAMARINES NORTE- Plano na rin ngayon ng Social Security System (SSS) na mag- offer ng surviving pension loan.

Sa ngayon kasi ay Pension Loan Program (PLP) pa lang ang programa ng ahensiya at hindi kasama dito ang surviving pensioner.

Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na plano pa lang ito ng management na sana aniya ay magkaroon ng katuparan.

Ani Robredo mayroon kasing clamor ngayon na pagkalooban ng loan ang surviving pensioner dahil may mga nakakarating umano sa kanilang feedback na may mga survivor na isinasangla ang kanilang ATM card sa private lending institution.

Dagdag pa ng opisyal na insured ang pension loan sa SSS kaya kung sakaling namatay na ang pensioner na nag loan ay insurance na ang magbabayad.

Hindi na umano ito magiging pabigat pa sa beneficiary kung sila ay kwalipikado pa sa nalalabing benepisyo ng namatay na pensionado dahil ang insurance na ang magbabayad ng balance.

Bagamat wala pang sinasabi ang management ng SSS kung kailan ito sisimulan ay tiniyak ni Robredo na naka- roadmap na  ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *