State of calamity idineklara ng LGU-Datu Piang dahil sa malawakang pagbaha!

ISINAILALIM sa state of calamity ang bayan ng Datu Piang, Maguindanao dahil sa naranasang malawakang pagbaha.

Ayon kay Datu Piang Mayor Victor Samama, nagdesisyon ang LGU na isailalim sa state of calamity ang bayan dahil sa patuloy na pagragasa ng tubig baha sa kanilang lugar.

Halos buong barangay anya ngayon ang apektado ng pagbaha. Bukjod sa calamity fund ay nakapagbigay na rin ng tulong ang Project Tabang ng BARMM para sa mga residente nito.

Patuloy naman ang paghikayat ng alkalde sa kanyang mga constituent na maging alerto sa lahat ng pagkakataon at agad ireport sa kanilang MDRRMO kung anuman ang mga sakunang darating. Nasira na rin ang mga pananim ng mga magsasaka ng bayan dagdag pa ng alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *